Sagwan

Song

Sagwan

Gloc 9 · Sukli · 2016 · 5:41

Lyrics

Kahit malalim lulusungin ko Lahat ng alon haharangin ko Kahit malayo tatahakin ko kung ito'y babalik sayo Maraming beses man lumisan pa Sayo parin palagi ang punta Kahit ilang bagyo wala sa akin makakapigil pa Makita lang kita Seaman ang tawag sa amin Ibat-iba man ang gawain Halina't kilalanin mo Ako man ay pasalinsalin Parang ihip ng hangin Kailangan unawain nyo ako Si Domingo Evahelista Ako'y nanggaling pang probinsya Lumuwas doon sa Maynila Baka sakali lang kumita Ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang araw Mag sagwan sa malaking bangka ang tawag ay barko Taga hugas ng pinggan Pagkatapos ligpitin ang pinagkainan Uniporme kong puti na palagi madumi Wag nyo na tignan inyo pakinggan Ang kwento ng bawat tao sa dagat Palutang lutang sa tubig alat Makapag trabaho ang tanging bala Para sa pamilya handang sumabak ang mga Seaman ang tawag sa amin Ibat-iba man ang gawain Halina't kilalanin mo Ako man ay pasalinsalin Parang ihip ng hangin Kailangan unawain nyo ako Akoy mangaawit sa barko pag gabi Tawag sa akin ay Rey pero pangalan ko ay Rene Sunod-sunod ang mga tip kaya laging may pang bili Kahit ano kakantahin basta malakas ang tili Kapag bumirit kinikilig lahat ng kababaihan Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan Halu-halong pabango na ang kumapit sa unan Hindi na mabilang kaya ngayon may karamdaman Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan Asensado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi Pag uwi mahirap mag ngiti Parang mali ang tubo ng mga iniwang kong binhi Nalulong sa bisyo at tumigil na sa pag-aaral Palaging naka ngiti ang kilos ay tila mabagal Ang mahal ko asawa tangay ang lahat ng takal Karangyaan pa pala ang siyang dahilan ang sagabal sa buhay Kahit malalim lulusungin ko Lahat ng alon haharangin ko Kahit malayo tatahakin ko kung ito'y babalik sayo Maraming beses mang lumisan pa Sayo parin palagi ang punta Kahit ilang bagyo wala sa akin makakapigil pa Makita lang kita Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato Na linisan ko na din at mabango na mga banyo Habang nag papahinga at mag isa sa aking kwarto Paulit-ulit ko sinasabi ang aking pangako Sa aking pamilya at mga anak asawa na iwan sa Pilipinas Nakakaiyak man di binitawan larawan nyo Kahit pa na susuka na ako sa alon Ang inyong kinabukasan ang siyang tanging ko baon At ng lumaon ay makauwi sabay na umahon Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon Pero sanay maintindihan upang muling masindihan Natin ang kalan at ng malagyan ang hapagkainan Lalayo muli dadaong sa ibang bayan Kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan Sampu ng mga kababayan ko tinitibayan Pagasa na tangan-tangan na singtibay ng kawayan Kahit malalim lulusungin ko Lahat ng alon haharangin ko Kahit malayo tatahakin ko kung ito'y babalik sayo Maraming beses mang lumisan pa Sayo parin palagi ang punta Kahit ilang bagyo wala sa akin makakapigil pa Makita lang kita Seaman ang tawag sa amin Ibat-iba man ang gawain Halina't kilalanin mo Ako man ay pasalinsalin Parang ihip ng hangin Kailangan unawain nyo ako

Lyrics provided by LRCLIB.

Popular by Gloc 9