Lyrics

'Di mapigil paggalaw, nagwawala, nagdadabog Oy, pare, dahan-dahan lang, muntik ka nang mahulog May taong bumubulong, mayro'n ding sumisigaw Mayro'n pang nag-i-Ingles na parang Kanong hilaw Bigla na lang natutulala, umiiyak, tumatawa Mayro'n ding nagnanakaw at nawawalan ng pera Sumusuray 'pag lumakad, nadadapa, nauuntog 'Pag dalawin ng antok, kahit saan natutulog May taong naggagalas, parang loko-loko Kung saan ka man abutin, CR mo ang buong mundo Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, alkohol Uh, yeah 'Di mapigil ang bibig, pati sikreto nasasabi Nasusuka, kumakanta, napapraning sa isang tabi "Kaya ko pa, kaya pa", 'yan ang laging sagot n'ya Nananaginip nang gising, pumupungay ang mata Kaunting alak, nalulunod, lumalakas ang loob Umeekis, gumagapang, natitisod, sumusubsob Labo-labo, sari-sari, may naghahanap ng away Binabangungot nang gising, mayro'n ding namamatay Lumiliwanag, dumidilim, bumabait, tumatapang Umiikot ang tingin, utak mo'y kinakalawang Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, alkohol Uh, uh Uh, uh Lumiliwanag, dumidilim, nadadapa, nauuntog 'Pag dalawin ng antok, kahit saan natutulog Bukas, may hangover ka, paggising, masakit ang ulo Pa'no ba 'ko nakauwi? Shit, kailangan ko ng yelo Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, alkohol, alkohol, alkohol, alkohol...

Lyrics provided by LRCLIB.

Popular by Eraserheads