Kapit Lang

Song

Kapit Lang

Jekkpot, Jnske, John Roa · Kapit Lang · 2022 · 3:53

Lyrics

Alam ko din na marami kang problema (problema) Halos tawagin 'tong dilema (dilema) May ubo tapos makapit na plema Hilaw kapa pero bulok na sa sistema (woah) Ganyan talaga, wag mag-wawala (ah) Buti buhay kapa 'Yan ang mahalaga (ah) May oras talagang ikaw'y mag-iisa (ah) Pati sa'yong mantika ay magigisa nang hindi sinasadya Ikaw'y biglang madadapa 'Yung liwanag didilim Mapipilitang mangapa Kahit buksan mo ang mata, hindi mo mahahalata Kung hindi mo sasaingin ang bigas na malata Nakaka-bad trip na, 'yung mga ganitong eksena Bakit ba naimbento kasi ang pera? Nais nang lumipat ng ibang planeta Kapit lang, 'yan ang panibago na meta Kung ano 'man ang iyong dinadala Kahit na ga'no pa 'yang kabigat 'Di pa huli, madami pang bukas Walang trabaho na mahirap Kung pursigido ka, tuloy molang Hangga't makuha ang inaasam Tandaan na 'di pa huli ang lahat Subukan mo nang iyong makita Ang liwanag Sige, sulat lang sa bawat pahina (pahina) Kulayan mo, bawal magpahinga (pahinga) Kung ayaw mo, sige 'di sa'kin na Tapos panoodin mo at wawasakin na (sakin na) Ang entablado kung sa'n imbitado Bigay ang todo, kahit na konti ang tao Kuntento na kasi ikaw ay naparito Sa laban mang ito, ako ay na-iprito Kapit lang babawi tayo Dapat konting praktis pa para manalo Idoble pa 'yun akting at 'yong isapuso Hanggang sa maging superstar ka na't umuso (woah) D'yan kasi nagsimula, sa dati din nagmula Ngayon may bago ng tula Sabay nating ibuga Tara 'wag ng mahiya Wala man title ang kanta mong ginawa (ey) Kung ano 'man ang iyong dinadala Kahit na ga'no pa 'yang kabigat 'Di pa huli, madami pang bukas Walang trabaho na mahirap Kung pursigido ka, tuloy molang Hangga't makuha ang inaasam Tandaan na 'di pa huli ang lahat Subukan mo nang iyong makita Ang liwanag Sipagan mo lang palagi Kahit wala pang nangyayari Higpitan lang ang iyong kapit Matutupad din ang lahat ng ninanais Tibayan mo lang palagi Kahit ano pang mangyari Tandaan lang na laging Sa dulo ng ulan ay mayroong bahaghari (Yeah) Kung ano 'man ang iyong dinadala Kahit na ga'no pa 'yang kabigat 'Di pa huli, madami pang bukas Walang trabaho na mahirap (wala) Kung pursigido ka, tuloy molang (tuloy molang) Hangga't makuha ang inaasam Tandaan na 'di pa huli ang lahat (hindi pa) Subukan mo nang iyong makita Ang liwanag Kumapit ka lang Kumapit ka lang Kumapit ka lang Kumapit ka lang Kapit kalang Kumapit ka lang (Woah)

Lyrics provided by LRCLIB.

Popular by Jekkpot