ILAW

Song

ILAW

SB19 · PAGTATAG! · 2023 · 4:52

Lyrics

Kanina ay nahuli ang aking sarili Nakangiti na naman at nagkukubli Ng tunay na kailanman ay 'di ko maipagsasabi Na naman na naman At pagdating sa'king tahanan ay hindi Ko na naman mahanap aking susi Saang lupalop ko ba 'to naitabi Pasintabi na naman na naman Nalilito nahihilo na sa inyo Nasa'n na nga ba ang sarili kong pagkatao Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo Oh at tao po pakinggan niyo naman ako Bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto Nang tuluyan nang makita niyo Tunay na ako 'di nagtatago Sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to Napapamuni-muni sa kawalan ng huni 'Di mapapirmi aking sarili Ilaw nga ang dahilan Kung ako ngayo'y nasa'n man Ngunit kailangan kong magpahinga Patayin ang ilaw pansamantala oh Bakit gan'to inakalang magbabago Kabayaran ba nito'y sarili ko'y maglalaho Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo Oh tao po pakinggan niyo naman ako Bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto Nang tuluyan nang makita niyo Tunay na ako 'di nagtatago Sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to Heto na naman ako patungo sa presinto Mag-iisip ng kung ano-ano Kailan ba'ng laya ko dito Heto na naman ako oh Pwede bang ipagpaliban muna ng isang linggo Pwede muna bang hinto Papalapit na ako'y papalapit na Bigat sa yabag ng bawat hakbang nitong paa Patungo sa lugar kung sa'n ayaw kong pumunta Wala na bang iba wala na ba Patuloy ang aking paghahanap sa pag-asa Ngunit walang saysay pa ang pagmamakaawa Ano pa ba ang kabuluhan nitong aking (ahh) Sino sino sino Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo malabo malabo oh Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko (woah-oh) Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo (malabo) Oh tao po pakinggan niyo naman ako (tao po pakinggan niyo ako) Bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto (woah-oh) Nang tuluyan nang makita niyo Tunay na ako 'di nagtatago Sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to Ooh ooh ooh ooh

Lyrics provided by LRCLIB.

Popular by SB19