Plorera

Song

Plorera

Lyrics

Oh paubos na ang tubig Sa 'yong lumang plorera Oh manunuyo na muna ako Bago pa tuluyan na matuyo 'yan Iwanan mo lang na bukas ang pintuan Sa silid-tulugan mo Paghikbi mo'y walang lunas Kaya paparating na 'ko Isarado mo man ang bintana Ilaw ay hayag naman Pagkukulang ko ay pinupunuan Ayaw kitang mawala Susuko ako lagi sa 'yo Ako'y kusang nagpabiktima Ikaw ay bahagi na ng paghinga ko Suko ako lagi sa 'yo Lumalalim ang pagtingin 'Pag bumababaw na ang kaligayahan Napapatawa kita at napapaiyak sa wala lang Kung hangad mo ay habang-buhay Ako'y handang magkapit-puso Galaw-galaw na lang nang masimulan Isarado mo man ang bintana Ilaw ay hayag naman Pagkukulang ko ay pinupunuan Ayaw kitang mawala Susuko ako lagi sa 'yo Ako'y kusang nagpabiktima Ikaw ay bahagi na ng paghinga ko Suko ako lagi sa 'yo

Lyrics provided by LRCLIB.

Popular by Arthur Nery