Lyrics
Malinaw pa ang lahat
Mula no'ng tayo'y magpasyang maghiwalay
Bitbit ko ang nakaraan
Ako'y napag-iwanan 'di nakasabay
Kaharap ko ang salamin
'Di malaman kung ano'ng gagawin
May mali ba sa sarili ko
Pa'no ko ba 'to mababago
Gusto ko na lang magpagupit
Para maitago ang nadaramang sakit
'Yung pinakamaikli
Para madaling makalimutan at mabitawan ka
Gusto ko na lang magpagupit
Para maputol na ang galit at pait na aking nadarama
Sana'y mabura mga alaala nating dalawa
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit
Baka naman gumaan ang pakiramdam ko kapag nagupitan
At kung sakaling makita ulit
Aminin mong ikaw rin ay nagkamali
Kaharap ko ang salamin
Tama ba itong aking gagawin
Kung para 'to sa sarili ko
Bakit pa kailangang may magbago
Gusto ko na lang magpagupit
Para maitago ang nadaramang sakit
'Yung pinakamaikli
Para madaling makalimutan at mabitawan ka
Gusto ko na lang magpagupit
Para maputol na ang galit at pait na aking nadarama
Sana'y mabura mga alaala nating dalawa
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit
Gusto kong magpagupit
Gusto ko na lang magpagupit
Lyrics provided by LRCLIB.
Popular by The Juans
#TitleAlbum








