Subok Lang

Song

Subok Lang

Gloc-9 · Subok Lang · 2024 · 3:04

Lyrics

Ngayon ay nandiyan na sila, nakakatuwa Tila nagbunga'ng mga tanim na punla Kaya pa kaya na aking magawa Kahit isang subok lang? Laban pa ba? Subukan natin na kamadahin Ang mga letra na 'sinulat ko Tunog na aking inihain, 'di pa madami Ang siyang dumudura nang ganito Ngayon ay nandiyan na sila, nakakatuwa Tila nagbunga'ng mga tanim na punla Kaya pa kaya na aking magawa Kahit isang subok lang? Hey, hindi mo naisip na makakagawa pa ako ng kanta Na halos hindi ka na makahinga Tuwing nadidinig mo ang mga sinasabi Palaging madaming dala-dala mula sa kabila Bata na dumayo galing ng malayo Hindi man nanalo'y garantisado na tatabo sa huli (uh-huh) Baradong lababo, sino ang ganado? Kapag delikado'y 'di alanganin, 'di nag-aatubili Na lumapag kapag rumekta Mga salitang lumalatay 'pag kumunekta Sa mikropono'y may kakaiba ka na puwersa Kahit 'di nakasanayan ang salitang "get high" (get high) Lumipad kasi sinipagan ang pagaspas Nilabanan pinakamalakas na lagaslas Nagpakilala hanggang sa pangala'y nagasgas Makatang mahilig na pumaspas (Gloc-9) Tubong Binangonan, napunta sa QC Matinis na boses, tila sumigaw na Bruce Lee Dilang madulas, parang may WD-40 Kumusta ka na? Sabi ko, "Palaging mabuti" Kasi ang galing, napapraning, sabay iling 'Pag ako na ang tumalak Parang 'di ka nagkakamali, tumatahi, ginagapi Kataga na lumalagapak Sa tagal ng panahon na dumaan 'Di ko na binilang ang sugat na tinalupan ng langib Kahit na subukan nating balikan Pipigilan ang sarili ko na sa akin ay bumilib Mawalang-galang na sa mga walang tiwala Maniwala ka, wala akong hindi itataya 'Pagkat wala namang laman ang bulsa ko no'ng umpisa nito Baon ko'y higit pa sa isang salita, walang dapat ikahiya Laban pa ba? Subukan natin na kamadahin Ang mga letra na 'sinulat ko Tunog na aking inihain, 'di pa madami Ang siyang dumudura nang ganito Ngayon ay nandiyan na sila, nakakatuwa Tila nagbunga'ng mga tanim na punla Kaya pa kaya na aking magawa Kahit isang subok lang? Ngayon ay nandiyan na sila, nakakatuwa Tila nagbunga'ng mga tanim na punla Kaya pa kaya na aking magawa Kahit isang subok lang?

Lyrics provided by LRCLIB.

Popular by Gloc-9