AYOS

Song

AYOS

I Belong to the Zoo · Always Here · 2026 · 3:38

Lyrics

Kamusta ka na kaya? Matagal-tagal na rin Iba na'ng paboritong pasalubong Iba na rin ang kasabay pa-uwi Siguro, ibang daan, sinundan ng aking hakbang Ako'y naiwan sa lumang tagpuan, na wala nang nadatnan Sana, okay ka pa, kahit hindi na ako kasama Sana, maabot mo lahat ng lihim mong dasal Hanggang sa dulo ng mundo, ako pa rin ang natitirang umaasa Kahit 'di na ako parte ng bukas mo Naaalala ko pa rin, mga gabing walang tulog Kinukulit ka sa mga pangarap mo, habang naglalakad sa gitna ng dilim Ngayon, iba na siguro, kausap mo tuwing gabi Habang ako'y naghihintay ng mensaheng hindi na darating Sana, okay ka pa, kahit hindi na ako kasama Sana, maabot mo lahat ng lihim mong dasal Hanggang sa dulo ng mundo, ako pa rin ang natitirang umaasa Kahit 'di na ako parte ng bukas mo At kung sakaling marinig mo ito 'Wag kang mag-alala, dahil ayos na ako 'Wag ka nang babalik, 'di na tayo babalik Tanggap ko nang, wala na ako sa mga plano mo Sana, okay ka pa, kahit hindi na ako kasama Sana, maabot mo lahat ng lihim mong dasal Hanggang sa dulo ng mundo, ako pa rin ang natitirang umaasa Kahit 'di na ako parte ng bukas mo Patuloy akong magdiriwang, sa gitna ng dilim Sa tuwing maririnig na iyong nakakamit Ang mga pangarap mo

Lyrics provided by LRCLIB.

Popular by I Belong to the Zoo